Posts

Image
 Ganito Noon........ Ano Ngayon?                                 Napakalayo na ng ating panahon ngayon, nasa  21 st century  na  tayo na kung saan maraming mga pagbabago na ating nararanasan. Isa na dito ang mga makabagong teknolohiya at pakikipaghalubilo sa ibang tao. Napakalaking tulong ng mga teknolohiya sa ating buhay sapagkat napapadali nito ang mga nais gawin. Halimbawa na lamang ng pakikipag-usap sa pamilya na malayo sa iyong lugar. Ginagamit ang teknolohiya gaya ng selfon, kompyuter at kapares nitoang  internet connection . Hindi na kinakailangang pumunta pa sa ibang lugar upang puntahan at kamustahin ang iyong mahal sa buhay. Sapagkat, sa isang pindot lamang ng selfon na may internet connection  o kompyuter tiyak makikita at magkakausap na kayo ng harap-harapan.                         Tulad noon, gaya nitong mga larawan isa itong lumang kompyuter na ginagamit sa paggawa ng mga dokumento at paghahatid ng mensahe sa nais padalhan.