Ganito Noon........Ano Ngayon?
Napakalayo na ng ating panahon ngayon, nasa 21st century na tayo na kung
saan maraming mga pagbabago na ating nararanasan. Isa
na dito ang mga makabagong teknolohiya at pakikipaghalubilo sa ibang tao. Napakalaking tulong
ng mga teknolohiya sa ating buhay sapagkat napapadali nito ang mga nais gawin.
Halimbawa na lamang ng pakikipag-usap sa pamilya na malayo sa iyong lugar.
Ginagamit ang teknolohiya gaya ng selfon, kompyuter at kapares nitoang internet connection. Hindi
na kinakailangang pumunta pa sa ibang lugar upang puntahan at
kamustahin ang iyong mahal sa buhay. Sapagkat, sa isang pindot lamang ng selfon na may internet connection o kompyuter tiyak makikita
at magkakausap na kayo ng harap-harapan.
Tulad
noon, gaya nitong mga larawan isa itong lumang kompyuter na ginagamit sa paggawa ng
mga dokumento at paghahatid ng mensahe sa nais padalhan. Hindi maipagkakaila na hindi
pa masyadong high-tech ang kompyuter na ito
at hindi pa upgraded.
Ngunit malaking tulong din ito sa mga mamayang gumagamit nito. Kahit hindi pa
nga masyadong high-tech ay
gamit na gamit na ito. Ito nga ay isang makalumang kompyuter at na-face-out nasa panahong kasalukuyan. Hindi
maipagkakaila na malaking tulong din ito noon dahil kung
wala ang nakaraan walang mapagbabasihan ang mga kasalukuyan kung paano ito mas pagagandahin.
Makikita
din sa larawan ang kasalukuyang kompyuter ang iba tinatawag na Laptop, kung ang mga makalumang kompyuter
ay palakihan ng likod ngunit sa kasalukuyan ay panipisan na ng likod. Gaya ng
makikita, ito ang makabagong teknolohiya o kompyuter na ginagamit ngayon.
Napakalaking tulong nito sa mamamayang gustong mapadali ang trabaho. Kung may
gustong ipahatid na mensahe/liham, maipapadala gamit ang mga application gaya ng Facebook, Messenger, Instagram, Twitter at iba pa. Ang mga nabanggit na application ay isang uri ng software
na makikita sa selfon o maging sa kompyuters. Hindi maipagkakailang halos
napapadali na nito lahat. Dito rin, makikita ang mga nais at gustong malaman na
mga impormasyon, gaya ng balita, mga kaganapang nangyayari sa lipunan at mga katanungang
nais masagutan at malaman. Ang teknolohiya na ito ay mas pinaganda, pinabilis,
at upgraded na.
Napakalaking tulong nito
sa mga negosyante lalong lalo na sa mga
transaction nila sa negosyo, sa mga mag-aaral na bibigyan din sila ng mga kaalaman
o nadadagdagan ang kani-kanilang kaalaman, sa mga gustong makausap o makita ang
mahal sa buhay ginagamit ang tinatawag na video
call na kung saan kitang kita at nakakausap ng harap-harapan. Ngunit sa kabila
ng lahat, dahil nga sa high-tech na ang
panahon ngayon marami ng masasamang elemento na ginagamit o sinasakyan ang makabagong
teknolohiya sa kasamaan.
Kung nais nating hindi mabiktima iwasan ang pagpapadala
ng mga litratong hindi kinakailangan. ang pagpost ng hindi kaaya-ayang larawan at dapat pigilan ang sarili at huwag magpapadala sa nararamdaman.
Dahil nga sa high-tech na, high-tech na rin mag-isip ang mga utak
ng tao. Kung ano-ano na ang nagagawa at kung ano-ano na ang naiisip. Sa
kabuuan, pinapatakbo na ang kasalukuyan ng teknolohiya o tinatawag na nito ang Panahon
ng Robots.
Sunod naman ang kasalukuyan, makikita sa larawan
na halos babad na ang mga kabataan sa gadgets.
Hindi na nila kinalakhan ang mga larong pambata, gaya ng patintero, luksong baka,
habulan, langit at lupa, tagu-taguan, tumbang preso at iba pa.
Naiimpluwensyahan na ang mga kabataan sa mga makabagong teknolohiya at
tinatamad ng kumilos at halos ayaw ng tumayo sa kinauupuan.
Naglalaro nang mine craft, candy crush, temple run, angry birds, clash of clans, mobile legends, rules of
survival at iba pang laro na makakakuha ng atensyon ng mga kabataan.
Mapipigilan lamang ang pagiging babad ng mga kabataan sa gadgets kung mismo ang mga magulang ang mangungunana hindi pasobraan
ang paggamit nito. Ang mga magulang ang magiging unang guro ng mga anak o
kabataan maliban nalang kung ang mga magulang ang nangunguna sa paggamit ng gadgets. Dapat turuan ang mga kabataan
ng tradisyunal na pakikipaghalubilo sa iba upang sa huli hindi sila magiging mahiyain.
Dumako naman tayo sa huli ang values noon at values ng
kabataan ngayon. Noon kung uutusan ng mga magulang ang kanilang anak sa mga gawaing
bahay o tutulungan sila ay agad sumusunod sa mga utos. Dahil hindi nito gustong
mapagalitan o mapalo ng wala sa oras. Hindi kaya’y ayaw palalamunin kung hindi nito
tutulong sa mga gawain. Napakaresponsable ng mga kabataan noon kapag may
nakitang nakatatanda sa kanila ay nagmamano o hindi kaya’y humalik sa pisngi o
di kaya’y bumabati bilang paggalang.
Ngayon,
ang mga kabataan nag-iba na ang pag-uugali, halos ayaw ng sumunod sa mga utos
ng mga magulang. Tinitingnan lang at hinayaan samantalang nakaupo at nanonood
ng telebisyon o di kaya’y naglalaro gamit ang gadget. Kung noon nagmamano at humahalik sa mga magulang, ngayon ay
wala na at diretso sa silid matutulog o maglalaro.
Napakalaki
ng pinagbago ng panahon ngayon, napakarami na ng mga makabagong teknolohiya na nagsipaglabasan.
Napapadali na nito ang buhay ng isang tao at hindi na mahihirapan sa paggawa.
Madali na nga, ngunit halos inaasa na ng mga tao sa teknolohiya ang mga gawain.
Sa hinaharap, hindi maitatanggi na mga robot na ang kikilos at ang mga tao ay
aasa nalang at ayaw ng kumilos.
Hindi naman masamaang magkaroon ng mga
high-tech na kagamitan o high-tech na panahon. Huwag lang nating kalimutan na tayong
mga tao kinakailangan din na kumilos upang hindi maging malamya ang pangangatawan
at kinakalingan din ito bilang ehersiyo ng kalusugan.
Comments
Post a Comment